Mahirap Pala ang First Time...
Dear Friends...
Grabe, nakakapagod at masakit pala ang first time. Nanakit ang likod ko, katawan, kamay at tuhod. Pinagpawisan ako nang sobra. Hiningal ako pagkatapos kong gawin iyon. Basang basa ang aking katawan dahil doon. Hindi ako makatayo. Ayoko nang ulitin ito...
Grabe, mahirap palang maglaba...
Kailangan ko kasing mag-overnight sa school dahil sa napakaraming paper works para sa aming accreditation. Nalaman ko nalang na wala na pala akong jeans na maisusuot dahil hindi pa lahat nalalabhan. (Umalis na kasi si Manang at walang naglalaba dito...)
Alangan mag-shorts ako at ma-rape nang wala sa oras eh sinubukan kong labhang ang aking jeans... My FIRST time. Hindi ko na tinangka na i-washing machine dahil iisa lang naman...
Sa experience ko na ito, naramdaman ko ang hirap na dinadanas nang mga labandera. Isang pantalon lang nilabhan ko napilayan pa kamay ko kaka-piga. Anyway, for some little transparency, ipapakita ko ang waist size ko... hehehe...
Oo nga pala, nag-bake ako nang cake para kainin namin sa overnight escapade namin. Since birthday ni Ka Andres Bonifacio bukas, gumawa ako nang Philippine Flag Inspired Dalandan Chiffon Cake... Bukas na ang pic, di pa naluluto eh, nasa oven pa. (balak ko kasi mag-business na related sa baking...)
Saka naisip ko, gagawin ko nalang installment ang mga "THINGS THAT ARE CHEAP OR FREE THAT MAKES ME HAPPY."
So for today, I introduce you to the P6.00 Unlimited Lugaw sa Sta. Mesa.
For six pesos, pwede ka na makakain all-you-can plain lugaw. Plain ang lugaw except sa konting fried garlic and ginger. Masarap ito considering the price na napaka-affordable. Pwede rin mag-order nang Fried Tokwa and Boiled Egg for P6.00 at Lumpiang Togue fro P5.00.
Lagi kami kumakain dyan dahil ang lugaw ay mainit at laging bagong luto...
Enjoy!!!