Monday, November 13, 2006

Barber Shop Index Card

Dear hair-growers,

Nagpagupit ako kanina. After 8 long months, na-feel kong magaan ang aking ulo. WOW!

May adventure pa nga ang aking buhok at ang pagpuputol dito.

Dati kasi lolo ko ang naggugupit ng buhok namin hanggang 2nd year high school kaya di ako sanay magpagupit sa labas.

Nung first time ko magpagupit sa barbero, di ko alam kung ano gagawin ko so nagpasama ako kay mama, 2nd year high school ako nun at nakakahiya dahil para akong bata.

Then the next time, sabi ko kaya ko na pero di pala. Mahiyain talaga ako sa tao so ang ginawa ko, sinulat ko sa isang index card ang "Barber's Cut".


Shet, thats one of the most embarassing things i've done. Pinagtawanan ako ng barbero. Kaya masasabi kong may phobia ako sa barbero. Barberaphobia.

Kaya bihira ako magpagupit at yan ang dahilan bakit pangit ang mga hairstyle ko dahil di ako nagpapagupit.

Minsan tri-nay ko sa isang unisex parlor, nagsisi ako, nagmukha akong shokoy with shaggy hair.

Kanina naman different story. Pumasok ako sa barbershop at akala kong mataas na confidence level ko, di pala. Nasabi ko sa barbero "Kuya, pa trim lang." in my smallest tinniest voice. 2nd embarassing moment again.

Ayoko na magpagupit nahihiya na ako.

(Pics, top to bottom: my previous hair and my new look. Boring.)

3 Comments:

At Wednesday, November 15, 2006, Anonymous Anonymous said...

salamat at nagpagupit k rin.tama u'll feel better kc mas magaan n ang ulo m ngaun.
i also have this habit n kapag depressed nagpapagupit.remember those times last couple of years n laging maikli buhok ko?
love u dos..:)

 
At Thursday, November 16, 2006, Blogger Dos Ocampo said...

sino ka po?

a.d kaw ba yan?

 
At Sunday, March 14, 2010, Anonymous Anonymous said...

Many thanks for the information, now I will not commit such error.

 

Post a Comment

<< Home