Wednesday, November 08, 2006

Weird Movies ka Rosita Dahil Nalulungkot Ako...

Dear bloggers,

Gusto ko manood something corny, not tommorow, not today but now. Yung tipong mga pelikula ni Dolphy saka sino mang teeny booper starlet na may crappy movie from star-cinema viva or regal films basta tagalog. Ewan ko ba biglang nag-iba taste ko. Dati gusto ko mga tipong gawa ni Polanski, Kurosawa, etc etc eh ano ba nangyayari sakin. Isa na akong class F cineaste.

Grabe, ang pinakacorny na nahanap ko dito sa bahay ay All About Love ni Sandara Park.

Video City, magbukas ka! Ngayon na!

***

Ayoko Na Sayo Rosita.

Simula ngayon, ayaw ko na kay Rosita. Natutuliro na ako pag naaalala ko siya, bahala siya kung matanggal siya, may pera naman siya galing sa monopolistic Lopez company named ABS-CBN.

Basta Rosita, Good luck and I hope tumagal ka pa sa Academy para wag ka maghasik ng kamandag mo sa Edsa.

Ayan, bigla tuloy ako nalungkot.

***

Telecommunication Sucks Real Time!

Nalulungkot ako mga friends sa mga oras na ito kaya siguro puro angst ang aking post ngayon. Ngayon ko lang narealize gaano ka-halaga sa atin ang telecommunication particularly internet.

May isa kasi akong kaibigan na kailangan magbayad ng P10,000.00 para sa kanilang phone bill sa PLDT Vibe. Syempre di ako makapaniwala, minsan lang naman kasi nya ginamit ang PLDT Vibe nung wala siya internet card. Kinal-culate namin ang usage nya kung 10k ang isisisngil sa kanya. For every peak hour, PLDT Vibe charges 30 pesos. So 10000 multiplied by 30 edi 10 hours a day. Grabe, gahaman ang PLDT, tapos pinarecheck nila sa PLDT baka mali, At biglang gumulantang ang isa pang mas malunos na figure.

P37,000.00
(Thirty Seven Thousand Pesos)

Ngayon, nagalit ang mga parents nya sa kanya dahil siya ang sinisisi, sabi na nga ng Mom niya na wag na daw siya mag-aral at magtrabaho.

Nanay ba yun?

And my friend now thoughts of being a stowaway. Wag sana suicidal thoughts...

Grabe, ayoko malungkot, pero napalapit na kasi sya sakin. She's very pretty pero mabait pero down to earth sobra at simple. Kakaiba siya sa iba kong mga na meet na ganoon kataas ang standard. Iba siya. Poor Girl.

We shared secrets, thoughts etc. Alam ko nararamdaman nya, so depressing. May balak pa nga kaming gawing web video series na siya ang nag-conceptualize tapos ngayon parang di na matutuloy dahil sa PU********* PLDT na yan.

Philippines Best Managed Company pala ha, grabe, madali talagang mag-manage basta gahaman. Smart din na nangangain ng load. I hate you two companies.

Manonood na nga lang ako ng corny movie...

Shit, ayaw pa bumukas ng DVD.

Bad Trip.

Bye Friends, see you at DreamLAND!!!

Labels:

5 Comments:

At Wednesday, November 08, 2006, Anonymous Anonymous said...

pansin ko lang, lagi ako unang nagcocomment. Wag ka sad sa friend mo, baka talagang internet freak siya. haYaan mo itatanong ko sa friend ko na csr sa pldt. buti nalang naka globelines ako.

 
At Wednesday, November 08, 2006, Anonymous Anonymous said...

Ang boring ng post.

 
At Wednesday, November 08, 2006, Anonymous Anonymous said...

bakit crush mo ba si rosita? hehehe.. :p nakakabadtrip naman yung nagsabi ng boring ang post, kapal ng muka! nabadtrip tuloy ako.. dapat di inaallowed ang anonymous eh.. sige' nood ka ng mga COMEDY!! para masaya :p

 
At Thursday, November 09, 2006, Blogger Dos Ocampo said...

jennifer, di ko alam kung crush ba yun or kung ano man... haay.

okay lang sabihan ako ng ang boring ng post. buti nga yun, may positive and negative feedback.

wala lang siguro magawa yung anonymous na yun.

 
At Friday, November 10, 2006, Blogger Mei Mei said...

hello..hello....uy di po yata c sandara ang bida ng all about love..pero kung si sandara man ang bida nun..baka can this be love po yung title...ehhehe...sandara fan kc ako..:D

 

Post a Comment

<< Home