Saturday, November 18, 2006

Things to Hear While Losing Weight at the Cinema Toilet

(Because of the gross nature of this post, I'll use words synonymous to the original.)

Dear ,

Dahil sa Cine Europa na natatapos mga quarter to eleven na nang gabi, pagdating ko sa bahay ay natutulog nalang ako para makaalis dito ng 6am para makapasok sa aming 7:30 am class. Di narin ako nakaka-excrement discharged from the intestines. Kaya mga 5 days nang walang lumalabas sa aking anus.

Syempre, kailangan ng ating katawan na maglabas ng masasamang substances kaya noong 5th day, noong 3rd screening mga 7pm (Menolippu Mombasaan ang film, see the screen cap below), di na mapigilan ng aking katawan at unti-unti nang lumalabas si Baby Feces. Alangan naman akong manganak sa loob ng cinehan, pumunta nalang ako sa Comfort Room para manganak.

Sa loob ng C.R., walang tao kaya inukupahan ko ang isang stall na walang masyado ilaw. Pagpasok ko at pagupo sa throne, narealize ko walang tissue sa dispenser, meron man, kakaunti mga 3 sheets.

Di ko alam gagawin ko kaya nag-stay nalang ako dun at nag-isip ng next move. Maya-maya, may pumasok, may kausap sa cellphone na parang finnish or armenian ang language. Nang biglang kumalabog pinto ng stall ko. He tried to open the door but to no avail, andoon ako at tahimik na gumagawa ng kabahuan. Umubo nalang ako para malaman nya presence ko.

Paglabas nya, nagkaroon na ng steady stream of people. Sa dami ng sinabi nila at pinagusapan, ira-rank ko nalang, 1 being the heighest:

1. (dalawang tao naguusap habang naghuhugas ng kamay.)

"Pare, kumain ka na ba?" "Di pa eh, gutom na nga ako." "Bawal daw magpasok ng pagkain dito dapat yung binili lang sa cinebar." "May dala akong skyflakes, dito nalang natin kainin..."

- at ayun, kumain nga sila.


2.

"T*ng I*a naman! T*ng I*a naman!T*ng I*a naman!"

- parang di-nashoot sa urinal yung ihi nya or naihi sa pants kasi narinig ko tumutulo sa floor yung ihi nya.


3. (Habang may kausap sa cellphone.)

"Bhe, dito pa ako office, susunduin kita maya... Oo. Di ko kasama, umuwi na... Sige, love you. Bye." (pagkababa ng phone) "Nyeta, nagpapasundo pa parang walang paa!"

- lalaking kausap sa cell ang kanyang nobya na walang paa.


Yun lang, di ko na kasi na-alala yung iba.

Pero masarap pala mag-bawas sa shangrila. hahahaah...

SO long, FAREwell!!!

Labels: ,

3 Comments:

At Saturday, November 18, 2006, Anonymous Anonymous said...

waw susyal sa shangrila pa tumatae... ano nangyari dun sa 3 piraso ng tissue? hihi pano mo tinipid?

 
At Sunday, November 19, 2006, Blogger Dos Ocampo said...

ako, secret nalang... ayoko sabihin eh. lets say, efficient ako... hehehehe

sa shangrila ako inabutan kaya ayun, dun ako nag ebs...

 
At Monday, November 20, 2006, Blogger wilfredo pascual said...

lol. sayang mag-eavesdrop. one reason why we should be hanging out in cubicles more often. peace, dos. i like your video. magandang kuwento.

 

Post a Comment

<< Home