Wednesday, July 11, 2007

Pigsa

Dear kaibigans,

Tinubuan ako ng pigsa. Ang sakit, di ako makaupo ng maayos. Buti nalang sa may hita ito tumubo dahil pag sa may "buns" ko, ayoko na. Gusto ko man tanggalin, sabi nila pabayaan lang daw dahil kusa naman daw ito mawawala. Pero di ko na makayanan ang sakit kaya nagresearch ako tungkol dito.

- Carbuncle pala ang tawag nito sa Ingles at ito ay dahil sa organism na Staphylococcus.
- Gagaling daw ito pag uminom ng antibiotic.
- Pwede raw tapalan ng bawang at luya ito para lumiit.

Sabi ng Lola ko, mas mainam daw
gawin ay tusukin ang pigsa at pukpukin ng bibig ng bote ng Coke. Mabisa daw ito at lalabas lahat ng Nana (pus) at dugo. Masakit nga lang.

Weird man sabihin, nasasarapan ako pag hinihipo ko ang aking pigsa. Parang mayroong feeling of comfort and pain habang dahan-dahan kong kina-caress ang kabilugan nito.

Ang sakit!

Labels:

Wednesday, February 21, 2007

Isang Tanong, Isang Sagot!

Dear Priendliefrends,

Hellooo! Masaya ako dahil may trabaho na ako at iyon ay Estudyante! hehe... Nagpasya akong tapusin na ang semestreng ito at sa bakasyon nalang mag-apply. Isang buwan nalang naman yun eh. hehe...

Anyway, habang nasa loob ako ng favorite hang-out place ko, ang Book Sale, nakita ko ang librong ito na nakakatawa talaga ang title:

HOW TO GET PREGNANT

Bigla akong natawa nang makita ko yan, nagtinginan na nga ang mga fellow Booksalers ko eh, paano ba naman, ang kapal-kapal ng libro na siguradong tungkol sa paggawa ng bata lang naman ang laman.

Naisip ko, pwede pala ako yumaman sa U.S. pag naging author ako ng librong katulad nyan na self explanatory. May naisip na nga ako eh, "How to Breathe Using the Nostrils".

Isang tanong, isang sagot:

Q: How to get pregnant???

A: First of all, L muna, tapos ituloy ang K! Pag napasok na ang K, edi gawin ang PG pero mas maganda kung mag BJ muna para Mas Happy! Tapos biglang lalaki ang T and then after a while, puputok ang T! Pag pumutok na ang T, masakit na dudulas palabas ang S! A Child is born! So Simple!

(Mga naughtyheads, eto ang ibig sabihin! First of all, Ligwan muna, tapos ituloy ang Kasal! Pag napasok na ang Kasal, edi gawin ang Pulot Gata pero mas maganda kung mag Breakfast sa Jolibee muna para Mas Happy! Tapos biglang lalaki ang Tiyan and then after a while, puputok ang Tubig! Pag pumutok na ang Tubig, masakit na dudulas palabas ang Sanggol! A Child is born! So Simple!)

Hehe...

Pagkatapos kong tumawa ng tumawa at tumawa, binasa ko ulit ang cover at ayun may karugtong pala ang title:

how to get pregnant WITH THE NEW TECHNOLOGY.

Shit, natamaan ako dun ah, tungkol pala sa artificial insemination ang libro. Napakadumi na talaga ng utak ko. Nakakahiya.

Labels: ,

Saturday, November 18, 2006

Things to Hear While Losing Weight at the Cinema Toilet

(Because of the gross nature of this post, I'll use words synonymous to the original.)

Dear ,

Dahil sa Cine Europa na natatapos mga quarter to eleven na nang gabi, pagdating ko sa bahay ay natutulog nalang ako para makaalis dito ng 6am para makapasok sa aming 7:30 am class. Di narin ako nakaka-excrement discharged from the intestines. Kaya mga 5 days nang walang lumalabas sa aking anus.

Syempre, kailangan ng ating katawan na maglabas ng masasamang substances kaya noong 5th day, noong 3rd screening mga 7pm (Menolippu Mombasaan ang film, see the screen cap below), di na mapigilan ng aking katawan at unti-unti nang lumalabas si Baby Feces. Alangan naman akong manganak sa loob ng cinehan, pumunta nalang ako sa Comfort Room para manganak.

Sa loob ng C.R., walang tao kaya inukupahan ko ang isang stall na walang masyado ilaw. Pagpasok ko at pagupo sa throne, narealize ko walang tissue sa dispenser, meron man, kakaunti mga 3 sheets.

Di ko alam gagawin ko kaya nag-stay nalang ako dun at nag-isip ng next move. Maya-maya, may pumasok, may kausap sa cellphone na parang finnish or armenian ang language. Nang biglang kumalabog pinto ng stall ko. He tried to open the door but to no avail, andoon ako at tahimik na gumagawa ng kabahuan. Umubo nalang ako para malaman nya presence ko.

Paglabas nya, nagkaroon na ng steady stream of people. Sa dami ng sinabi nila at pinagusapan, ira-rank ko nalang, 1 being the heighest:

1. (dalawang tao naguusap habang naghuhugas ng kamay.)

"Pare, kumain ka na ba?" "Di pa eh, gutom na nga ako." "Bawal daw magpasok ng pagkain dito dapat yung binili lang sa cinebar." "May dala akong skyflakes, dito nalang natin kainin..."

- at ayun, kumain nga sila.


2.

"T*ng I*a naman! T*ng I*a naman!T*ng I*a naman!"

- parang di-nashoot sa urinal yung ihi nya or naihi sa pants kasi narinig ko tumutulo sa floor yung ihi nya.


3. (Habang may kausap sa cellphone.)

"Bhe, dito pa ako office, susunduin kita maya... Oo. Di ko kasama, umuwi na... Sige, love you. Bye." (pagkababa ng phone) "Nyeta, nagpapasundo pa parang walang paa!"

- lalaking kausap sa cell ang kanyang nobya na walang paa.


Yun lang, di ko na kasi na-alala yung iba.

Pero masarap pala mag-bawas sa shangrila. hahahaah...

SO long, FAREwell!!!

Labels: ,