Sunday, January 28, 2007

Meyneyla!

Dear trabelers,

(Itatabi ko muna ang aking jobhuntingescapadesss.)

Mahilig ako maglakad, alam nyo ba iyon? Point-to-point, 50 kms distance ok sa akin. Kaya napakalaki ng binti ko at ang talampakan ko, sing gaspang ng sandpaper.

Weirding ang tawag ko sa aking adventures on foot. (May ibang meaning ang word na iyan pero who cares?) Sa aking paglalakbay marami akong nakita, nadiscober at kung anik anik pa.

eto ang ilan...




Sundot Kulangot: Isang pagkain na nagoriginate sa Baguio. Ang version na kinakain ko ay ang "lite"version dahil ang totoong sundot kulangot eh gagamitin mo ang iyong pinky finger to eat it. Ito ang totoong finger lickin' good food. hehe...






Si Ms Bata Daya. Siya ang batang nakasabay ko sa dyip na hindi nagbayad sa driver. Malayo-layo din ang kanyang isinakay at sa aking kalkulasyon eh nasa P8.25 ang pamasahe dapat niya. Pero let's look at the other side, isa sing estudyante at sabado iyan, pwedeng wala siyang allowance sa araw na iyon or wala talaga siyang allowance at all.









Lovers: Yun lang...












Eto ang tindahan ng mga "TOTOONG" nangangailangan. Sa Anonas Street yan sa Sta. Mesa, Manila. Lahat ng binibenta dyan eh tingi-tingi, kung makikita nyo, per piece. katulad ng kalamansi, piso isa, ang tuyo P2.50, ang Milo Chocolate Drink, Asukal, Gatas eh P1.00. Astig! Tignan nyo nalang ang nakasulat sa ilalaim, "BASIC NEEDS". hehe...


Yun Lang! Naku, jobhunting na naman..

Labels:

Wednesday, January 24, 2007

Para sa DSLR... I gave up my Virginity! (Naughty Mind Series Part 1)

Dear jobhunters,

Kanina, nag-apply ako sa a CSR sa Pizza Hut sa Aurora Towers sa Cubao. Todo polo ako at pants dahil baka diretso interview na raw. Tapos pagpasa ko ng Resume,

Tatawagan nalang daw ako.

Shet.

Sayang ang porma, sayang ang minsan lang sinusuklay na buhok at sayang ang spiels na dapat eh gagamitin ko sa interview. Iba talaga ang first time. Now, I can proudly say that I'm no longer a Virgin! (in terms of jobhunting hehe...)

Sana naman matawagan ako at matanggap at magkaroon ng pagkakataon sabihin ang "Thank you for calling Pizza Hut Deliveries, this is Dos speaking, how may I help you?"

Haay, bat kasi super mahal ng DSLR na napili ko, 58k.

May digicam naman ako, yun na lang.

Ngayon alam ko na ang frustrations ng mga fresh grads na in a years' time eh magiging ganoon na rin ako...

At nalaman ko na mahal ko talaga ang Photography na isang hakbang para maging isang Filmmaker! haha!

(Ideas-Photography-Patience-Acting-Screenwriting-Accounting-Patience-Make Up-Patience-Marketing-Perseverance)

Mag ko-callboy na nga lang ako kahit alam kong walang tatangap sa akin...

nah, never mind. Gudnayt!

Labels: , ,

Friday, January 19, 2007

Sino Si EDERLYN?

Dear Globe Subscribers,

Simula ng marinig ko si Ederlyn, di ko na talaga maalis sa isip ko ang pangalan niya,

EDERLYN

Grabe, iba ang alindog ni ederlyn... Kahit Smart subscriber ako, nakaabot si ederlyn sa akin.

Sa mga di nakakaalam kung sino si Ederlyn, si ederlyn ay kumalat sa text messaging sa Globe network. Isa siyang misteryosang nilalalang. Whew!

Nagsimula ito sa Text Message na ito:

Ui, invited tau s bday party
ni ederlyn 2m ng 6pm.

CnO b un? Kilala m b?
FinOrward lng skn e.
Hahahahahaha. Kulet.

Na sinundan nito:

C rowan daw, na frnd ni ederlyn, may concert sa araneta. Sa lhat ng invitd s bday ni ederlyn,invtd din s concert ni rowan sa sbdo ng 7pm. Punta kyo ha?!

At nagpatuloyito hanggang sa nagpakasal siya, bininyagan ang anak niya at nagkaroon ng ibang characters na si Cheverlyn etc at lalabas daw si Ederlyn sa The Buzz ng ABS-CBN2. Grabe, iba na talaga nagagawa ng unlimited texting hehe... Anyway andito yung kumpletong saga ni Ederlyn...

(yung babae sa pic ang sa tingin ko ay si Ederlyn, sa jeep jeep yan. hehe... di alam nung babae na kinunan ko siya dahil mahilig ako sa stolen shots with people on their MOST embarassing moment!)

Ederlyn, sino ka ba talaga?

Labels:

Sunday, January 14, 2007

The Fucking Manequin

Dear Naughtyminds,

Nakita ko lang ito nung magpunta ako sa Market! Market! mall sa Fort Bonifacio. Iyan ay isang manequin sa isang sikat na clothing line for women, endorsed by a theatre actress that got international attention by playing a Vietnamese prostitute.

Let the picture do the talking, afterall, a picture paints a thousand words. hehe.

HAVE FUN!

Yours Trully,
dosPORKYpinge (sabi nila lucky mga baboy ngayon.)

Labels:

Wednesday, January 10, 2007

Camera Whore!

Dear Models,
Yan ang nakuha ng aking selpown kaninang hapon.

Shet, gusto ko talagang maging potographer, ala Xander Angeles kasama ang FHM babes hehe... Joking aside, isang frustration ko ang makakuha ng Pulitzer Prize pero para sa Americans lang yun. Andaya.

Tapos di pa rin ako makakuha ng trabaho ngayon kahit ano para makabili na ako ng DSLR, di naman kasi ako nagaaply, takot ako eh... DSLR, asan ka na? Pero sabi ng mga photographers, "Amateurs talks about the camera, professionals debates about lenses but real photographers just let their photographs do the talking". So that means Im an amateur, good: theres room for improvement!!!

Eto pa isang pic...


Eto namang pic na ito eh kinuha ko kahapon sa taas ng R. Magsaysay Flyover sa Sta. Mesa Manila nang kami ni Elmo and Mavs (both in the pic) eh tinopak at nagkayayaang maglakadlakad. hehe... we call it Weirding kahit may ibang meaning ang word na iyan sa Websters. hehe

Chuvaness asan kana?

Labels:

Sunday, January 07, 2007

I Am Japanese or Korean!!!

Arigato Friends!

Haha! Magpapaksal na ako sa isang Korean at Japanese at magiging dual citizen!!! heheheh... Magpapakasal ako kina...

Song Hye-kyo ng Full House Fame!

Saka kay Yui na isang sikat na singer sa Japan!


Wahahahhaahhahaha!

Kay gaganda nilang mga dilag, ang sarap titigan.

Habang tinititigan ko iba ang aking nararamdaman...

May bumibilis ang Tibok at medyo naginginig.

This is love.... Sana... syet kasi yang language barrier na yan. Leche!!! Flan!!!



Wedding Pic Namin...
(ako yan pramis!)
I cordially invite you to my wedding and honeymoon.
Just don't wear anything.
Nudist wedding ito na sabay ang honeymoon!
Hataw na!

Tai Tien!

Labels: