Dear prenddds,
Bumalik ako sa Pizza Hut kaninang 7:30 AM un, so nauna ako sa pila. Kasama ko yung

classmate ko at ang kambal niya. Kaya masaya ako at di ako nag-iisa.
Confident ako na mai-interview dahil nagpagupit na ako at super neat ako. hehe... Buti nalang napa-aga kami at na-orient ng nakakatakot na HR officer. Pero mabait siya at sinabi niya na smile kami at wag nerbyusin. Pero ako kumakabog na ang dibdib ko. Buti nalang nagpatawa si Manong Guard na mabait hehe... (siya rin yung guard sa dati kong mga posts.)
Maya-maya, di pala kami pwede, friday pala ang CSR hiring nila. Pero since maaga kami at di announced yun, pinayagan kami na ma-initial interview. Hurray! (Salamat din dun sa akala namin na supladang receptionist, pinagtanggol niya kami na mainterview!)
Nung turn ko na para mainterview, sabi ko sa sarili ko "dos, wag ka kabahan, tao din yung kakausapin mo, its their position thats causing your shivers, and you'll be one of them someday."
Ayun, tinawag na nga ako. Tingin ko kasimputi ko na si Snow White sa pamumutla at kaba pero since high blood ako, di pwede yun hehe...
Pinaupo ako sa Hot Seat ng HR officer. Sinabi ko "Good Morning Maam!" at nagreply din siya sa akin na "Good Morning!". Binigay ko ang resume ko at binasa niya. Mukha naman siya satisfied. hehe... Eto ang sumunod na nangyari...
HR OFFICER (HR): So, you're applying as a CSR?
Dos (D): Yes Maam!HR: What school are you from?
D: Polytechnic University of the Philippines, Maam.HR: Third Year?
D: Yes Maam!HR: How many units are you taking?
D: 18 Maam!HR: Can I see your registration card?
D: Excuse me maam, I'll get it from my bag. *tumayo ako at kinuha sa bag ang regi.
D: Here maam.HR: 21 units?
D: No maam, I dropped this subject which has 3 units.HR: Can I see the Dropping Form?
*Nabigla ako.
Di ko na alam ang sumunod na sinabi ko. hehe... Basta naalala ko pinababalik ako bukas para ipakita ko ang dropping form. Ang problem, i'm
really taking 21 units. (sana wag nila mabasa ito)
Shet, Desperation. Ayoko magsinungaling...
Di ko na alam gagawin ko, hehe... Iniisip ko nga wag nalang ako magtrabaho at uutang nalang ako kay Papa pero hiya ako,
di nga kami naguusap eh. hehe.
Haay, para sa photography at Filmmaking, itutuloy ko ito! Tawagan ko kaya yung binigay ni
yatot...
Labels: Job Hunting, PhotoGRAPHY, Sosyodad