Sunday, December 31, 2006

Nervous Gone! An early new year gift for me!

Dear Prens...

These past few days, maraming happenings because of the christmas/new year seasons. Kaya di ako makapagnet. I-add pa ang nangyaring super quake sa taiwan last week na nakasira ng maraming underwater fiber optic cables na nagcoconect satin 90% of the time sa ibang bansa kaya walang internet.

Sa napakaraming nangyari nun eh medyo naging close kami ni papa! Kung di ko pa nasasabi sa inyo, may gap sa amin ni papa na kasing laki ng iceberg. Di kami naguusap, nagpapansinan at nagkikibuan. Nakakausap ko lang siya pag may tinatanong siya sa akin or pag may kailangan ako sa kanya like magpapaalam pag aalis etc. Ganun. To think bata pa lang ako wala nakaming communication eh masyado na talaga malalim ang sugat. Ang sakit.

Sabi ko nga kay Vagi, maayos lang ang relationship ko kay Papa thru a very harsh confrontation. Yung tipong mag-aaway kami. hehe. Sabi ni Vagi hindi naman daw necessary yun, basta kausapin ko lang siya... Tama nga siya.

Kahapon, galing kami sa aming clan reunion sa pampanga. Sila mama at ang aking dalawang kapatid ay nauna na at naiwan kami ni Papa sa bahay at magcocomute nalang kami. Dati, pag nalaman kong dalawa nalang kami eh magpapanic na ako at tibong mane-nervous breakdown. Pero kahapon, parang wala lang. Nagkwentuhan pa nga kami eh. WOW! Sarap! hehe... Ang sarap pala ng feeling pag kausap ang daddy. hehe... kaya hanggang ngayon, good mood ako everyday!

(A very Rare moment, Adrian, Papa, Me!)

Sabi ko nga kay booma dati dahil naiinis siya sa super strict na dad nya eh "buti ka nga may tatay na nagagalit sayo kesa naman ako di kinakausap." Well, binabawi ko na iyon!

Sana naman eh magpatuloy na ang magandang relationship na nabubuo samin ni papa. Sana!

Eto ang malupit. Kagabi, binigyan ko si Papa ng kalahating pirasong polvoron at di ko malaman kung bakit ko ginawa yun. Usually, di tinatanggap ni papa ang mga kalahati na o bawas na pagkain. Titignan lang nya yun at babalik sa panonood ng T.V. pero kahapon, ganito ang nangyari:


Dos: (iniabot ang kalahating polvoron sa Papa niya.)
Papa: (nakita ang polvoron.)

(brief pause.)

Papa: Ano yan?
Dos: (nagulat) Ah, polvoron po.
Papa: (tinignan ang polvoron na kalahati.)

(Brief Pause.)

Papa: (Kinuha ang kalahating polvoron.)
Dos: (Nanlaki ang Mata.) (Paalis na sana.)
Papa: Akin nalang to?
Dos: Ah opo.
Papa: Ok.

Finish.

All I can say is HAHAHA!!!

4 Comments:

At Sunday, December 31, 2006, Blogger Virginia said...

dos! masaya ako para sa'yo dahil unti-unti nang natutunaw ang iceberg sa pagitan nyo ng papa mo! sabi ko sa'yo eh,madali lang hehe, basta wag ka lang masyado seryoso kapag kakausapin mo siya carry na yun!

happy new year my friend! thanks for all! labyu!!!

cheers!

 
At Tuesday, January 02, 2007, Blogger booma. said...

wow! gandang news yan... work it up, magtutuloy-tuloy yan...

 
At Saturday, January 06, 2007, Blogger Polahola said...

hahaha natawa tuloy ako parang civil ang relationship mo ng daddy mo. hehehe

 
At Saturday, August 15, 2009, Blogger Unknown said...

Great job Dos, sana you'll find more time to be with your dad. Lalo na ngayon na la na si Mama mo, kailangan ka nya.

Be a caring and loving son.

 

Post a Comment

<< Home