Sunday, December 24, 2006

Ninangs at Ninongs

Dear Yuletides,

Iba talaga ang feeling pag malapit na ang Pasko, lalo na ang walang inaanak. Nararamdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin kasabay ang sense of security na ang pera ko ay akin lamang at wala nang iba! Ang sarap talaga mag-pasko ng walang inaanak! hahaha!

Ibang klase naman kasi ang may inaanak, mapa-kasal, binyag, kumpil, graduation, etc kasi required pa silang bigyan ng regalo sa birthday at pasko at magpapatuloy pa ito hanggang sa dulo ng panahon.

Dati nga akala ko ang mga Ninong at Ninang ay mas mataas pa sa parents kasi sila ay GODfather at GODmother samantalang si Ma at Pa eh FAther lang ay MOther lang... Pero ang mga Ninong at Ninang pala ay nagsisilbing "guidance counselors" sa kanilang inaanak, sila ang nagbibigay "guidance" na di naibibgay ng magulang. Pero ang nangyayari, nagiging source of income sila for parents (ng mga baby) at source of regalos and aguinaldo na iwawaldas naman ng mga inaanak (me included).

Si Papa, marami inaanak yun, mapa kasal o binyag. Karamihan dun, mga officemates nya na kinakasal. Pero bilib din ako sa ibang kinakasal, parang gustong maka-refund sa ginastos nila kaya ayun, 24 lahat ng ninong at ninangs karamihan din don mga politicians (Pork Barrel?)

Yung bunso kong kapatid, ten years old pa lang siya eh may inaanak na eh ngayon 13 years old na siya, kung susumahin, nakagastos na nsiya ng humigit kumulang 4000 pesos para sa regalo pero buti nalang minor pa siya kaya subsidized pa iyon ng parents namin. Si Ate naman, marami na rin yang inaanak. Yun lang. Pero ako, wala ni ISA! Really, Life is Wonderful!

Minsan nga nagtataka ako bakit parang mailap ang mga kaibigans at kamaganaks ko kung magkakaanak sila at ayaw nila na maging ninong ako ng anak nila. Inisip ko ang dalawang posibleng dahilan.

1. Siguro ayaw nilang masira ang reputasyon ng anak nila dahil sa aking pagiging
daring at handang ilabas ang pwet in public.

2. Dahil weirdo ako at kumakain ng kung ano-anong dahon na makita ko sa kung
saan eh baka iniisip nila na maimpluwensyahan ko ang anak nila. (FYI, masarap
ang dahon ng gumamela, medyo maanghang na minty. Parang dahon din ng papaya.
Wag nyo lang subukan ang Fortune plant, makunat at mapait! Matamis naman ang
sa sampaguita saka aloe vera.)

Ako marami akong ninong at ninang na di nagbibigay sakin ng regalo, aguinaldo etc. Ok lang, di ko naman sila kilala. We're playing even!

Pero may isa akong pamangkin na cute na cute ang tinuturing kong "Special". Not as inaanak pero special kasi ayoko ma-stereotype ang ako na Ninong. hehe... She is Ice. Cute? Yeah!

Sana wag lang mabasa ng mga Nongs at Nings ko to. Lagot ako.

Maligayang Pasko at Bagong Taon nalang sa Lahat! Ingat sa paputok, baka maputol ang... kamay! hehe.

2 Comments:

At Sunday, December 24, 2006, Blogger Virginia said...

feeling ko din maswerte ako dahil isa lang ang inaanak ko!!! pamangkin ko pa!

nakakatuwa ka talagang kaibigan kasi you're very down to earth! kumakain ka pala ng dahon-dahon!

Merry Christmas Dos!!! thanks for being my friend and classmate!

 
At Wednesday, December 27, 2006, Blogger Raissa said...

hey!haha thanks for dropping by my blog..glad you appreciated it:) anyway, the whole eating the grass thing is making me curious. does weed count?haha anyway my ninong and ninang (who i didn't know had actually existed) once thought i was a boy. talk about adding insult to injury.
PS: the baby is absolutely adorable;)

 

Post a Comment

<< Home