Tuesday, December 19, 2006

Hello Dos? Ikaw Ba Iyan?

Dear podcasters,

Asan na ako? hehe... Syempre dito sa bahay! haaay, ang sarap kausapin ng sarili!!!

Sige, kakausapin ko ang sarili ko ngayon...

********************
Dear Dos,

Nababaliw ka na d
ahil kausap mo sarili mo, pero sabi ni Isaiah na kausap mo kanina, healthy daw yun! So sabihin mo sa mga kaibigan mo, kung kinakausap nila ang mga sarili nila, healthy lang yun! Kaya mga ka-mental, di kayo mga baliw dahil lahat ng tao ay mga baliw!
nasisiraan na talaga ikaw dos...

Enewey, nanood ka kasi kanina ng Inang Yaya, isang Unitel Pictures production and
Directed by Pablo Biglang-Awa Jr. Diba dos, napakasimple ng movie at doon mo lang nakita si Ms Sunshine Cruz na magaling palang umarte. Naiyak ka pa nga eh dahil naramdaman mong emosyon ang ginamit nang direktor at writer para gawin yung pelikula. Inulit mo pa nga twice at sinabayan mong umiyak yung nasa likod mo na may pink na Hello Kitty na panyo. Pero, kagaya nga ng sinabi mo, pangit talaga manood sa SM Megamall Cinemas 5, 6, 8 and 9 dahil naliliitan ka sa screen at hindi dolby equipped. Sana nag gateway ka nalang na 120 pesos din.

Pero dos, maiba tayo. Diba kanina mo pa hinahanap ang kantang Faces ni Lene Marlin na sinabi sa iyo ni Ate Deng na dinidedicate sa iyo? Sana makita mo dahil alam kong nafi-freak ka na na makita iyon, hayaan mo, reregaluhan nalang kita ng CD pag nagkita tayo.

Saka dos, subukan mo kayang mag aprikano dahil nakita ko sa clustermaps mo na
mayroon kang reader sa Africa, pwede mong ibenta sa kanila ang iyong bagong diskubring no rinse Bath Soap na nadevelop mo habang nakaupo ka sa Kubets. Malay mo, yumaman ka doon at makabili ka na nga Canon DSLR mo at para di ka na matawag ni Cofibean na ORC!

So hanggang dun nalang, alam kong matutulog ka na dahil dumating na ang daddy mo. Kausapin mo naman daddy mo, para maging close kayo. hehehe...

Nagmamahal,
Two.

4 Comments:

At Tuesday, December 19, 2006, Blogger Billycoy said...

ano yung no rinse bath soap, mukhang ayos yun... kaso parang di presko

 
At Tuesday, December 19, 2006, Anonymous Anonymous said...

you dos, why are you talking to your self bec. its a crap!!!!!!! i watched also inang yaya and its beautiful and kakaiyak. i want to see it again and would you came with me?

 
At Wednesday, December 20, 2006, Blogger Dos Ocampo said...

hi billycoy and chuvaness...

yung no rinse bath soap ay engineered by me! hehe... combination ng traditional bath soap mixed with 1 part water and 1 part candle wax. yung pag-apply nun eh ipapahid mo lang sa katawan at pag napahid mo na, kuha ka lang ng tissue or some sort of papel or towel para alisin yung sabon na may dumi sa inyong katawan at presto! malinis ka na!

chuvanees, di kita kilala, pakilala ka muna hehe...

 
At Friday, December 22, 2006, Anonymous Anonymous said...

naku dos namiss kita, ikaw ganyan kana sikat kalang kaya di mo na ako pinapansin!!!

 

Post a Comment

<< Home