Mahirap Pala ang First Time...
Dear Friends...
Grabe, nakakapagod at masakit pala ang first time. Nanakit ang likod ko, katawan, kamay at tuhod. Pinagpawisan ako nang sobra. Hiningal ako pagkatapos kong gawin iyon. Basang basa ang aking katawan dahil doon. Hindi ako makatayo. Ayoko nang ulitin ito...
Grabe, mahirap palang maglaba...
Kailangan ko kasing mag-overnight sa school dahil sa napakaraming paper works para sa aming accreditation. Nalaman ko nalang na wala na pala akong jeans na maisusuot dahil hindi pa lahat nalalabhan. (Umalis na kasi si Manang at walang naglalaba dito...)
Alangan mag-shorts ako at ma-rape nang wala sa oras eh sinubukan kong labhang ang aking jeans... My FIRST time. Hindi ko na tinangka na i-washing machine dahil iisa lang naman...
Sa experience ko na ito, naramdaman ko ang hirap na dinadanas nang mga labandera. Isang pantalon lang nilabhan ko napilayan pa kamay ko kaka-piga. Anyway, for some little transparency, ipapakita ko ang waist size ko... hehehe...
Oo nga pala, nag-bake ako nang cake para kainin namin sa overnight escapade namin. Since birthday ni Ka Andres Bonifacio bukas, gumawa ako nang Philippine Flag Inspired Dalandan Chiffon Cake... Bukas na ang pic, di pa naluluto eh, nasa oven pa. (balak ko kasi mag-business na related sa baking...)
Saka naisip ko, gagawin ko nalang installment ang mga "THINGS THAT ARE CHEAP OR FREE THAT MAKES ME HAPPY."
So for today, I introduce you to the P6.00 Unlimited Lugaw sa Sta. Mesa.
For six pesos, pwede ka na makakain all-you-can plain lugaw. Plain ang lugaw except sa konting fried garlic and ginger. Masarap ito considering the price na napaka-affordable. Pwede rin mag-order nang Fried Tokwa and Boiled Egg for P6.00 at Lumpiang Togue fro P5.00.
Lagi kami kumakain dyan dahil ang lugaw ay mainit at laging bagong luto...
Enjoy!!!
10 Comments:
ako sanay na kasi madami akong nilalaban na damit ko every week
ganun talaga...
poor lang kasi e
totoo ba iyong unlimited lugaw?
waaah...kuya di ka pa pwedeng mag-aswa..haha..
well..dapat masanay ka..like me, grade 2 pa lang naglalaba na ilog..oh davah...
tama si kipay kasi you must know how to laba kasi you are old olready and beside madali lang po maglaba.. oi teka maiba ako saan yung lugaw makikita?
ipaglalaba kita if you like
Mahaaaay! Kala ko nag Vikram Yoga ka! Gloria Labendera lang pala ang drama mo! In your 19 years of life, first time mong maglaba ng Jeans? Lumayas ba si Inday?
laba ? pa laundry ka na nalang!
wow, lugaw matagal na akong di nakakakain niyan!
lyka, hindi, di ko ginawa yun heheheh... pero yun ang gusto ko palabasin na parang ginawa ko yun pero di pala... hahahahah!!!!
isaiah, mahal pa laundry dito, 35 per kilo... hehehehe
billy, gusto mo bigyan kita nang map papunta doon? malapit yun sa sta. mesa kung saan maraming motels, sa stop and shop.
dos alam mo ba, nung highschool madalas kami diyan ng mga barkada ko lalo na kapag nagtitipid kami... kaya lang itinigil namin kasi sabi nung mga ka-batch namin sa kabilang section, yung mga kuya daw na naghuhugas nung mga kalderong malaki ginagamitan ng paa nila!!! putsa di ba nakakadiri! di namin nalaman kung totoo nga,pero di na talaga kami kumain mula nun. yuck! sarap pa naman sana, kahit walang laman yung lugaw basta may tokwa...
Post a Comment
<< Home