Sunday, August 31, 2008

Macau





Here in Macau, luxury is a game, on which smoking means someone is rich, when staying all night gambling is normal. It's like in Macau, the poor are forced to live rich.

Anyway, I stayed in this vibrant city for 9 days because of work. This "Gambling Capital of Asia" had been a Portuguese colony before. Ironic it may seem that most of their signages is in Portuguese (like their ubiquitous exit signs that read "Saida.") but no one speaks it; I never heard anyone speak Portuguese. Maybe they do that for tourism purposes or for the preservation of their history which is really unique. Too bad I had little time to roam around... Anyway, they really got very good architecture. It's oddly similar to Intramuros but with a different twist that's hard to explain. 

I tried to look for beggars in this lavish city and found three. Will post the photos later. hehe...














Labels: ,

Monday, September 24, 2007

PUTOSHAP Lessons



Courage:
Doing something you are afraid to do.



My courage was tested when my professor asked me to teach third year students some basic Photoshop.


Why me?


Sabi nga sa Bible, share what we have and God will bless us. (
Proverbs 19:17)

So, I basically shared my tiny knowledge on Photoshop to other people. Kahit maliit, nakatulong pa rin! Giving is not the amount nor quantity, it is the generosity of the heart.

I can say that some of them are
much knowledgeable in Photoshop after my lecture. I didn't feel ashamed that they are much better than me. The greatest gift of a student to his teacher is when his student exceeds him.




Masarap pala magturo... Sana maulit muli!

Labels: ,

Monday, September 10, 2007

Photoblogging...

Actually, I hate journalistic writing, I want writing with imagination! Yung hindi restricted sa mga facts and details I honestly find boring... Kaya, Photoblogging na!

Here are some shots at the Makati CBD, try to guess the names of the buildings! (Click on the picture to view larger version.)



-Dos

Labels:

Friday, March 02, 2007

Ang Mga Babae sa Lente ni Dos

Dear Piktyurs,

Picture taking muna kasama nang mga girls... Hehe. Mga classmates ko sila na kinukunan ko at nagpapakuha naman. Gamit ko dyan ay ang aking Cellphone hehe...

Yung naka-red sa first two pictures eh si Mavs, thesis mate ko at isang Communication Theories geek. (marami yang teorya about sa pag co-communicate ng tao, grabe, pati aso meron!)

Saan yan? Edi sa loob ng Jeep.


Sa 2nd floor ng Main Building.


Si Ate Jen na nag e-endorse ng Presto Cookies! (Manila Film Center[MFC], CCP Complex, Pasay City)



Si Ate Deng sa MFC din, Ka-lente ko at nagaalaga ng kambing na si YUKI(+)


Silang dalawa, Manila Film Center din, habang kumakain ng biskwit.


Waaaa! Gusto ko na ng DSLR!!!

Labels: ,

Thursday, February 15, 2007

Dos the Forger! (Naughty Mind Series part 4)

Dear Prennnsssss,

Mabilis lang ito dahil papasok na ako. hehe...

Babalik sana ako kahapon sa Pizza Hut para mag-apply. Nakakuha na kasi ako ng "forged" certification na sinasabing I Dropped one Subject with Three Units.

Desperado na ako. Sh*t.

Di ako pumunta because of 3 Reasons:

1.Masisira ang dignidad ko, okay lang masira pangalan ko, di naman ako kilala pero ayoko ang aking dignity.

2. Masisira ang image ng aking mahal na unibersidad, marami pa namang graduates ang prino-produce nito at baka di na sila tanggapin sa Pizza Hut.

3. Baka mawalan ng trabaho ang professor ko na pumirma doon.

Sabi nga ng iba kong classmates most notably Vagi, wag na daw dahil delikado. So sinunod ko sila dahil mabait ako hehe... Marami namang companies diyan eh. hehe...

Mas na-inlove tuloy ako sa Photography... haaay, siguro pag nabili ko na ang cam na iyon, ituturing kong anak.

Labels: , ,

Wednesday, February 07, 2007

I Thought, I Thought, I Thought (Naughty Mind Series Part 3)

Dear prenddds,

Bumalik ako sa Pizza Hut kaninang 7:30 AM un, so nauna ako sa pila. Kasama ko yung classmate ko at ang kambal niya. Kaya masaya ako at di ako nag-iisa.

Confident ako na mai-interview dahil nagpagupit na ako at super neat ako. hehe... Buti nalang napa-aga kami at na-orient ng nakakatakot na HR officer. Pero mabait siya at sinabi niya na smile kami at wag nerbyusin. Pero ako kumakabog na ang dibdib ko. Buti nalang nagpatawa si Manong Guard na mabait hehe... (siya rin yung guard sa dati kong mga posts.)

Maya-maya, di pala kami pwede, friday pala ang CSR hiring nila. Pero since maaga kami at di announced yun, pinayagan kami na ma-initial interview. Hurray! (Salamat din dun sa akala namin na supladang receptionist, pinagtanggol niya kami na mainterview!)

Nung turn ko na para mainterview, sabi ko sa sarili ko "dos, wag ka kabahan, tao din yung kakausapin mo, its their position thats causing your shivers, and you'll be one of them someday."

Ayun, tinawag na nga ako. Tingin ko kasimputi ko na si Snow White sa pamumutla at kaba pero since high blood ako, di pwede yun hehe...

Pinaupo ako sa Hot Seat ng HR officer. Sinabi ko "Good Morning Maam!" at nagreply din siya sa akin na "Good Morning!". Binigay ko ang resume ko at binasa niya. Mukha naman siya satisfied. hehe... Eto ang sumunod na nangyari...

HR OFFICER (HR): So, you're applying as a CSR?
Dos (D): Yes Maam!
HR: What school are you from?
D: Polytechnic University of the Philippines, Maam.
HR: Third Year?
D: Yes Maam!
HR: How many units are you taking?
D: 18 Maam!
HR: Can I see your registration card?
D: Excuse me maam, I'll get it from my bag.
*tumayo ako at kinuha sa bag ang regi.
D: Here maam.
HR: 21 units?
D: No maam, I dropped this subject which has 3 units.
HR: Can I see the Dropping Form?
*Nabigla ako.

Di ko na alam ang sumunod na sinabi ko. hehe... Basta naalala ko pinababalik ako bukas para ipakita ko ang dropping form. Ang problem, i'm really taking 21 units. (sana wag nila mabasa ito)

Shet, Desperation. Ayoko magsinungaling...

Di ko na alam gagawin ko, hehe... Iniisip ko nga wag nalang ako magtrabaho at uutang nalang ako kay Papa pero hiya ako, di nga kami naguusap eh. hehe.

Haay, para sa photography at Filmmaking, itutuloy ko ito! Tawagan ko kaya yung binigay ni yatot...

Labels: , ,

Thursday, February 01, 2007

Ang Pagababalik After 10 Days... (Naughty Mind Series Part 2)

Dear Jobseekers,

After 10 days, bumalik ako sa Pizza Hut sa Aurora Towers Cubao, kahapon yun, January 31.

Maaga ako, 8am nandoon na ako, muntik na nga ako di makaabot sa 8am na cut-off nila dahil 7:30AM ako umalis ng bahay dahil undecided parin ako.

Pagdating ko sa 15th floor ng Aurora Towers kung saan nandoon ang head office ng Philippine Pizza Inc. eh marami na ang applikante, nasa 15 na. Buti nalang mabait si Manong Guard at pinapila ako sa may hagdan. Pinalabas niya sa akin ang resume ko at 2x2 picture. Buti nalang inedit ko ang resume ko at nilagay ko na roon ang job objective ko at nagdagdag ng character references.

Nakatabi ko si Ate 1 sa right side ko. Di ko natanong pangalan niya. Pero base sa aming small chit-chat, mas nangangailangan siya ng pera. Graduate siya ng Unico College sa Laguna ng 2 year associate course in Hotel and Restaurant Management. Buti nalang Team Member (yung crew sa branch) ang a-apply-an niya, at least di kami magkakumpitensiya.

After 30 mins, pinapasok ang tatlong applicants, including me. Medyo kinakabahan na ako at syempre sabi ni ate Jackie (na nag-inspire sa akin na mag-apply doon) na always smile. Todo smile ang ginawa ko na parang wala nang bukas, syempre para ma-practice ang facial muscles ko... Nang biglang lumapit si Manong Guard sa akin at sinabi: "Ser, pasensya na, balik na lang kayo bukas, magpagupit muna kayo(ng buhok)."

Nagulat si Ate 1 na katabi ko, syempre medyo nalungkot siya na pinaalis ako, pero okay lang, valid naman eh, mahaba ang buhok ko. Nag-thank you ako kay Manong Guard at sumakay ng elevator at umalis. Tapos nagpagupit ako. Now I'm sporting this really stupid haircut at mukha akong itlog.

Di ako bumalik kanina dahil may midterm exam kami sa Rizal, at syempre ayoko makita ako na mukhang itlog baka di ako seryosohin.

Lesson learned: magpagupit bago mag-apply.

Hahaha! Stupid hair!

Teka! Nagsayaw pala ako sa aming Le Vouge Fashion and Dance Show ng aming college. heheh... Kwento ko yun sa susunod!

Gudnayt!

Labels: , ,

Sunday, January 28, 2007

Meyneyla!

Dear trabelers,

(Itatabi ko muna ang aking jobhuntingescapadesss.)

Mahilig ako maglakad, alam nyo ba iyon? Point-to-point, 50 kms distance ok sa akin. Kaya napakalaki ng binti ko at ang talampakan ko, sing gaspang ng sandpaper.

Weirding ang tawag ko sa aking adventures on foot. (May ibang meaning ang word na iyan pero who cares?) Sa aking paglalakbay marami akong nakita, nadiscober at kung anik anik pa.

eto ang ilan...




Sundot Kulangot: Isang pagkain na nagoriginate sa Baguio. Ang version na kinakain ko ay ang "lite"version dahil ang totoong sundot kulangot eh gagamitin mo ang iyong pinky finger to eat it. Ito ang totoong finger lickin' good food. hehe...






Si Ms Bata Daya. Siya ang batang nakasabay ko sa dyip na hindi nagbayad sa driver. Malayo-layo din ang kanyang isinakay at sa aking kalkulasyon eh nasa P8.25 ang pamasahe dapat niya. Pero let's look at the other side, isa sing estudyante at sabado iyan, pwedeng wala siyang allowance sa araw na iyon or wala talaga siyang allowance at all.









Lovers: Yun lang...












Eto ang tindahan ng mga "TOTOONG" nangangailangan. Sa Anonas Street yan sa Sta. Mesa, Manila. Lahat ng binibenta dyan eh tingi-tingi, kung makikita nyo, per piece. katulad ng kalamansi, piso isa, ang tuyo P2.50, ang Milo Chocolate Drink, Asukal, Gatas eh P1.00. Astig! Tignan nyo nalang ang nakasulat sa ilalaim, "BASIC NEEDS". hehe...


Yun Lang! Naku, jobhunting na naman..

Labels:

Wednesday, January 24, 2007

Para sa DSLR... I gave up my Virginity! (Naughty Mind Series Part 1)

Dear jobhunters,

Kanina, nag-apply ako sa a CSR sa Pizza Hut sa Aurora Towers sa Cubao. Todo polo ako at pants dahil baka diretso interview na raw. Tapos pagpasa ko ng Resume,

Tatawagan nalang daw ako.

Shet.

Sayang ang porma, sayang ang minsan lang sinusuklay na buhok at sayang ang spiels na dapat eh gagamitin ko sa interview. Iba talaga ang first time. Now, I can proudly say that I'm no longer a Virgin! (in terms of jobhunting hehe...)

Sana naman matawagan ako at matanggap at magkaroon ng pagkakataon sabihin ang "Thank you for calling Pizza Hut Deliveries, this is Dos speaking, how may I help you?"

Haay, bat kasi super mahal ng DSLR na napili ko, 58k.

May digicam naman ako, yun na lang.

Ngayon alam ko na ang frustrations ng mga fresh grads na in a years' time eh magiging ganoon na rin ako...

At nalaman ko na mahal ko talaga ang Photography na isang hakbang para maging isang Filmmaker! haha!

(Ideas-Photography-Patience-Acting-Screenwriting-Accounting-Patience-Make Up-Patience-Marketing-Perseverance)

Mag ko-callboy na nga lang ako kahit alam kong walang tatangap sa akin...

nah, never mind. Gudnayt!

Labels: , ,

Wednesday, January 10, 2007

Camera Whore!

Dear Models,
Yan ang nakuha ng aking selpown kaninang hapon.

Shet, gusto ko talagang maging potographer, ala Xander Angeles kasama ang FHM babes hehe... Joking aside, isang frustration ko ang makakuha ng Pulitzer Prize pero para sa Americans lang yun. Andaya.

Tapos di pa rin ako makakuha ng trabaho ngayon kahit ano para makabili na ako ng DSLR, di naman kasi ako nagaaply, takot ako eh... DSLR, asan ka na? Pero sabi ng mga photographers, "Amateurs talks about the camera, professionals debates about lenses but real photographers just let their photographs do the talking". So that means Im an amateur, good: theres room for improvement!!!

Eto pa isang pic...


Eto namang pic na ito eh kinuha ko kahapon sa taas ng R. Magsaysay Flyover sa Sta. Mesa Manila nang kami ni Elmo and Mavs (both in the pic) eh tinopak at nagkayayaang maglakadlakad. hehe... we call it Weirding kahit may ibang meaning ang word na iyan sa Websters. hehe

Chuvaness asan kana?

Labels:

Thursday, November 09, 2006

Photography = Filmmaking?

Dear photographers,

Para mawala ang problema, Mag-picture taking nalang tayo!

Akoy isang photographer na mahilig sa mga nakakadiring bagay. Maraming mga tao ang nagagalit sakin pag bigla ko silang papakitaan ng mga nakakadiring pictures (Pusang nakalabas ang mata, asong tumatae, dumudurang pulis etc...) na ang mga photos naman ay magagandang kuha (ayon sa aking palagay). Ano ba namang masama sa mga ganoong litrato, unique nga eh!

(Thats me as a photographer, kuha ni Ate Deng.)

Greatest dream ko ang maging isang Filmmaker someday, pero sa tingin ko malabong makakapasok ako sa industriya dahil sa aking mga style. Mga style na makabagong di open sa karamihan. So naisip ko, gagalingan ko sa photography (because at this moment eh dun yata ako nag-e-excel.). Then I'll be a good cinematographer and enter filmmaking silently. Tapos isa na akong filmmaker! Hurray!

Kanina lang, naiinis ako sa sarili ko, ang O.A. ko pala. grabe, kung mapapanood nyo ang music video na aking dinirehe (Artist: Siakol Song: Kabilang Mundo Starring Isaiah of Busted Isaiah's Blog.) eh masasabi nyong wala akong kwenta, di ako marunong humawak ng tao, naiinsecure ako sa magagandang tao (artistas) at nahihiya akong magsalita sa nakakarami. Panoorin nyo video na nasa baba, 2nd edit yan at di final pero naiinis talaga ako... Grabe nakakahiya, pinalabas pa yan sa MTV and MYX, grabe, nakakahiya. (Pero bat ganun, nung pumunta ako sa youtube, 4 stars yun na 81 ang nag rate. (click here to see) Ibig sabihin ba nun nagagandahan sila sa video? haaay.)



Maganda ba yung video? Ayoko sagot OK lang, dapat specific.

Kakaingit talaga yung ibang tao naabot ang mga gusto nila. Ako, ang natutupad ko palang ay manalo as lay-out artist sa aming newsletter, within the college pa.

Haay buhay.

Labels: ,

Wednesday, September 06, 2006

The Philippines' Newest River!

I present you the Philippines' newest river!

the E. Rodriguez River! (A.k.a. Aurora River)

Its right in the heart of Pureza St. and E. Rodriguez Ave. under the Pureza LRT Station at the very heart of Sta. Mesa, Manila!


But this river only appears when raining.

***

Yesterday, I went to Paula's house at San Mateo, Rizal to repair their computer.

Paula is a nice girl.

Their family operates a Drinking Water business.

Paula is a beautiful girl.

Her mother is so youthful and kind.

Paula is an intelligent girl.

We went to Sta. Lucia mall that evening.

Paula is a happy girl.

Sta. Lucia mall is... dim.

Paula is a Filmmaker!

Nothing more...

Labels: