Camera Whore!
Dear Models,
Yan ang nakuha ng aking selpown kaninang hapon.
Shet, gusto ko talagang maging potographer, ala Xander Angeles kasama ang FHM babes hehe... Joking aside, isang frustration ko ang makakuha ng Pulitzer Prize pero para sa Americans lang yun. Andaya.
Tapos di pa rin ako makakuha ng trabaho ngayon kahit ano para makabili na ako ng DSLR, di naman kasi ako nagaaply, takot ako eh... DSLR, asan ka na? Pero sabi ng mga photographers, "Amateurs talks about the camera, professionals debates about lenses but real photographers just let their photographs do the talking". So that means Im an amateur, good: theres room for improvement!!!
Eto pa isang pic...
Eto namang pic na ito eh kinuha ko kahapon sa taas ng R. Magsaysay Flyover sa Sta. Mesa Manila nang kami ni Elmo and Mavs (both in the pic) eh tinopak at nagkayayaang maglakadlakad. hehe... we call it Weirding kahit may ibang meaning ang word na iyan sa Websters. hehe
Chuvaness asan kana?
Labels: PhotoGRAPHY
14 Comments:
ang ganda ng kuha.. sa selpon lang yan?
astig.. ituloy mo yan..
uu nga! ang ganda ng kuha... parang 16,000 colors pa ang gamit mo! anu ba yung 16,000 colors? bwehehehe... =)
sabi ko sa'yo dos eh! magaling ka na, kapag nagkaron ka pa ng DSLR, san pa sila?!
sabi ko sa'yo dos eh! magaling ka na, kapag nagkaron ka pa ng DSLR, san pa sila?!
sabi ko sayo dos eh, magaling ka! pa'no pa kung DSLR na ang gamit mo?!
you are a good photographer! you have an eye for good shots!
sabi ko sayo dos eh, magaling ka! pa'no pa kung DSLR na ang gamit mo?!
you are a good photographer! you have an eye for good shots!
dos! kelangan q p ng gmail account?! huhuhu...
di halatang amateur noh. pero di ko masyado gusto yung last picture. mejo blurry sya. basta :)
heeelo prends!
cher, oo sa selpown lang yan. hehe... sige itutuloy ko, salamat!
yatot, hindi lang 16000 colors yan, alam ko 24-bit yan or nasa 32million colors. yun yata hehe... amazing technology! salamat!
virgie, oo pag nagka dslr ako, naku, lagot ang magnanakaw! isusumbong ko sya! hehe salamat din!
sherma, oo kailangan mo nga, binili na kasi ng google ang blogger. hehe...
tin-tin, oo naman! i'll remain to be an amateur forever para may room for improvement di gaya ng ibang mga photographers dyan, ang yayabang. hehe... yung last pic? ahhh, intentional yung pagkalabo nya, kumbaga, gabi kasi yan, so im playing with the light. pag blurred kasi mas makikita yung mga pabilogbilog ng mga lights, mas maganda! hehehe! maraming salamat sa pagbisita! hehe
Tangina, Dos! Anggaling mo talaga! Whoooh!! Sana magkaron na tayo ng DSLR...
Pero medyo di ako sang-ayon na great photographers just take pictures... Pano naman kasi kung ang tanging camera lang na meron ka e isang VGA cam sa isang cellphone na may memory lamang ng 30 or something na pics, pano ka makakakuha ng mga litrato?? Kaya isinantabi ko na lang talaga ang pagiging photographer... huhuhu...
hi there booma, yeah sadly, labanan ngayon ng megapixels, white balance at knowledge sa photoshop. Crappy. wag ka mag-alala, may isang phtographer akong nakita ang gamit nyang camera eh yung kodak mc3, isang vga camera released way bak 1997 yata. ang gaganda ng pics.
Sabi nga ni Mr someone na nabasa ko sa PDI way back 2001, isa siynag UP Professor at may dumadalaw sa kanya dahil may sakit siya, ang pangalan niya ay di ko rin alam. yung dumadalaw na iyon eh sinabi dun sa professor na gusto nya mag drawing. sabi nung professor "go out to national bookstore, buy the cheapest crayons you can find and buy the roughest paper you can see, that way you'll learn the difficulties and make you what you want to be." hehe...
Kaya mo yan booms! sino kaya sa atin ang nanalo na sa photo contest? (intended as a pun)hmmm...
waaaahhh!!! nakakainis ka, dos! binanatan mo na naman ako ng kung sino nanalo sa photo contest chuva ek-ek na yan... nakakainis ka! di na ko pupunta sa blogsite mo!! naiinggit ako seyo!! waaah!! galit ako. galit!!! grrrrr!!
kung sana lang may pambili ako ng camera na matino. kahit di na dslr, ayos lang. kahit pangkaraniwan lang basta't magagamit ko kahit konti lang ang ilaw, may flash kahit paano, may desenteng memory at reso ng pics. nakakalungkot, kasi yung ibang tao, may magagandang camera tapos ginagamit lang sa walang kapararakang bagay... haaay. sinusumpa ko na ang photography. sana di ko na lang sha nakilala...
ayan, napahaba tuloy ang comment ko... parang blog post na. hehehe
astig ng mga kuha mo. anong klaseng celfon yan, makabili nga haha.
moieeeeeeeeeee with many e, sony ericsson k750i. hehe... pero mas maganda na ngayon yun k800i. yun nalang bilhin mo.
Post a Comment
<< Home