Wednesday, August 29, 2007

Haiku For a Friend in Korea

Dear friends,

A Haiku for friends living apart.

Oceans between us.
We may not see each other,
But friendship endures...

-Dos

Para sa aking kaibigan na nasa Korea. Ang pangalan nya ay 박진우 na may 2 anak.

Labels: ,

Thursday, February 15, 2007

Dos the Forger! (Naughty Mind Series part 4)

Dear Prennnsssss,

Mabilis lang ito dahil papasok na ako. hehe...

Babalik sana ako kahapon sa Pizza Hut para mag-apply. Nakakuha na kasi ako ng "forged" certification na sinasabing I Dropped one Subject with Three Units.

Desperado na ako. Sh*t.

Di ako pumunta because of 3 Reasons:

1.Masisira ang dignidad ko, okay lang masira pangalan ko, di naman ako kilala pero ayoko ang aking dignity.

2. Masisira ang image ng aking mahal na unibersidad, marami pa namang graduates ang prino-produce nito at baka di na sila tanggapin sa Pizza Hut.

3. Baka mawalan ng trabaho ang professor ko na pumirma doon.

Sabi nga ng iba kong classmates most notably Vagi, wag na daw dahil delikado. So sinunod ko sila dahil mabait ako hehe... Marami namang companies diyan eh. hehe...

Mas na-inlove tuloy ako sa Photography... haaay, siguro pag nabili ko na ang cam na iyon, ituturing kong anak.

Labels: , ,

Wednesday, February 07, 2007

I Thought, I Thought, I Thought (Naughty Mind Series Part 3)

Dear prenddds,

Bumalik ako sa Pizza Hut kaninang 7:30 AM un, so nauna ako sa pila. Kasama ko yung classmate ko at ang kambal niya. Kaya masaya ako at di ako nag-iisa.

Confident ako na mai-interview dahil nagpagupit na ako at super neat ako. hehe... Buti nalang napa-aga kami at na-orient ng nakakatakot na HR officer. Pero mabait siya at sinabi niya na smile kami at wag nerbyusin. Pero ako kumakabog na ang dibdib ko. Buti nalang nagpatawa si Manong Guard na mabait hehe... (siya rin yung guard sa dati kong mga posts.)

Maya-maya, di pala kami pwede, friday pala ang CSR hiring nila. Pero since maaga kami at di announced yun, pinayagan kami na ma-initial interview. Hurray! (Salamat din dun sa akala namin na supladang receptionist, pinagtanggol niya kami na mainterview!)

Nung turn ko na para mainterview, sabi ko sa sarili ko "dos, wag ka kabahan, tao din yung kakausapin mo, its their position thats causing your shivers, and you'll be one of them someday."

Ayun, tinawag na nga ako. Tingin ko kasimputi ko na si Snow White sa pamumutla at kaba pero since high blood ako, di pwede yun hehe...

Pinaupo ako sa Hot Seat ng HR officer. Sinabi ko "Good Morning Maam!" at nagreply din siya sa akin na "Good Morning!". Binigay ko ang resume ko at binasa niya. Mukha naman siya satisfied. hehe... Eto ang sumunod na nangyari...

HR OFFICER (HR): So, you're applying as a CSR?
Dos (D): Yes Maam!
HR: What school are you from?
D: Polytechnic University of the Philippines, Maam.
HR: Third Year?
D: Yes Maam!
HR: How many units are you taking?
D: 18 Maam!
HR: Can I see your registration card?
D: Excuse me maam, I'll get it from my bag.
*tumayo ako at kinuha sa bag ang regi.
D: Here maam.
HR: 21 units?
D: No maam, I dropped this subject which has 3 units.
HR: Can I see the Dropping Form?
*Nabigla ako.

Di ko na alam ang sumunod na sinabi ko. hehe... Basta naalala ko pinababalik ako bukas para ipakita ko ang dropping form. Ang problem, i'm really taking 21 units. (sana wag nila mabasa ito)

Shet, Desperation. Ayoko magsinungaling...

Di ko na alam gagawin ko, hehe... Iniisip ko nga wag nalang ako magtrabaho at uutang nalang ako kay Papa pero hiya ako, di nga kami naguusap eh. hehe.

Haay, para sa photography at Filmmaking, itutuloy ko ito! Tawagan ko kaya yung binigay ni yatot...

Labels: , ,

Thursday, February 01, 2007

Ang Pagababalik After 10 Days... (Naughty Mind Series Part 2)

Dear Jobseekers,

After 10 days, bumalik ako sa Pizza Hut sa Aurora Towers Cubao, kahapon yun, January 31.

Maaga ako, 8am nandoon na ako, muntik na nga ako di makaabot sa 8am na cut-off nila dahil 7:30AM ako umalis ng bahay dahil undecided parin ako.

Pagdating ko sa 15th floor ng Aurora Towers kung saan nandoon ang head office ng Philippine Pizza Inc. eh marami na ang applikante, nasa 15 na. Buti nalang mabait si Manong Guard at pinapila ako sa may hagdan. Pinalabas niya sa akin ang resume ko at 2x2 picture. Buti nalang inedit ko ang resume ko at nilagay ko na roon ang job objective ko at nagdagdag ng character references.

Nakatabi ko si Ate 1 sa right side ko. Di ko natanong pangalan niya. Pero base sa aming small chit-chat, mas nangangailangan siya ng pera. Graduate siya ng Unico College sa Laguna ng 2 year associate course in Hotel and Restaurant Management. Buti nalang Team Member (yung crew sa branch) ang a-apply-an niya, at least di kami magkakumpitensiya.

After 30 mins, pinapasok ang tatlong applicants, including me. Medyo kinakabahan na ako at syempre sabi ni ate Jackie (na nag-inspire sa akin na mag-apply doon) na always smile. Todo smile ang ginawa ko na parang wala nang bukas, syempre para ma-practice ang facial muscles ko... Nang biglang lumapit si Manong Guard sa akin at sinabi: "Ser, pasensya na, balik na lang kayo bukas, magpagupit muna kayo(ng buhok)."

Nagulat si Ate 1 na katabi ko, syempre medyo nalungkot siya na pinaalis ako, pero okay lang, valid naman eh, mahaba ang buhok ko. Nag-thank you ako kay Manong Guard at sumakay ng elevator at umalis. Tapos nagpagupit ako. Now I'm sporting this really stupid haircut at mukha akong itlog.

Di ako bumalik kanina dahil may midterm exam kami sa Rizal, at syempre ayoko makita ako na mukhang itlog baka di ako seryosohin.

Lesson learned: magpagupit bago mag-apply.

Hahaha! Stupid hair!

Teka! Nagsayaw pala ako sa aming Le Vouge Fashion and Dance Show ng aming college. heheh... Kwento ko yun sa susunod!

Gudnayt!

Labels: , ,

Wednesday, January 24, 2007

Para sa DSLR... I gave up my Virginity! (Naughty Mind Series Part 1)

Dear jobhunters,

Kanina, nag-apply ako sa a CSR sa Pizza Hut sa Aurora Towers sa Cubao. Todo polo ako at pants dahil baka diretso interview na raw. Tapos pagpasa ko ng Resume,

Tatawagan nalang daw ako.

Shet.

Sayang ang porma, sayang ang minsan lang sinusuklay na buhok at sayang ang spiels na dapat eh gagamitin ko sa interview. Iba talaga ang first time. Now, I can proudly say that I'm no longer a Virgin! (in terms of jobhunting hehe...)

Sana naman matawagan ako at matanggap at magkaroon ng pagkakataon sabihin ang "Thank you for calling Pizza Hut Deliveries, this is Dos speaking, how may I help you?"

Haay, bat kasi super mahal ng DSLR na napili ko, 58k.

May digicam naman ako, yun na lang.

Ngayon alam ko na ang frustrations ng mga fresh grads na in a years' time eh magiging ganoon na rin ako...

At nalaman ko na mahal ko talaga ang Photography na isang hakbang para maging isang Filmmaker! haha!

(Ideas-Photography-Patience-Acting-Screenwriting-Accounting-Patience-Make Up-Patience-Marketing-Perseverance)

Mag ko-callboy na nga lang ako kahit alam kong walang tatangap sa akin...

nah, never mind. Gudnayt!

Labels: , ,

Friday, January 19, 2007

Sino Si EDERLYN?

Dear Globe Subscribers,

Simula ng marinig ko si Ederlyn, di ko na talaga maalis sa isip ko ang pangalan niya,

EDERLYN

Grabe, iba ang alindog ni ederlyn... Kahit Smart subscriber ako, nakaabot si ederlyn sa akin.

Sa mga di nakakaalam kung sino si Ederlyn, si ederlyn ay kumalat sa text messaging sa Globe network. Isa siyang misteryosang nilalalang. Whew!

Nagsimula ito sa Text Message na ito:

Ui, invited tau s bday party
ni ederlyn 2m ng 6pm.

CnO b un? Kilala m b?
FinOrward lng skn e.
Hahahahahaha. Kulet.

Na sinundan nito:

C rowan daw, na frnd ni ederlyn, may concert sa araneta. Sa lhat ng invitd s bday ni ederlyn,invtd din s concert ni rowan sa sbdo ng 7pm. Punta kyo ha?!

At nagpatuloyito hanggang sa nagpakasal siya, bininyagan ang anak niya at nagkaroon ng ibang characters na si Cheverlyn etc at lalabas daw si Ederlyn sa The Buzz ng ABS-CBN2. Grabe, iba na talaga nagagawa ng unlimited texting hehe... Anyway andito yung kumpletong saga ni Ederlyn...

(yung babae sa pic ang sa tingin ko ay si Ederlyn, sa jeep jeep yan. hehe... di alam nung babae na kinunan ko siya dahil mahilig ako sa stolen shots with people on their MOST embarassing moment!)

Ederlyn, sino ka ba talaga?

Labels:

Sunday, January 14, 2007

The Fucking Manequin

Dear Naughtyminds,

Nakita ko lang ito nung magpunta ako sa Market! Market! mall sa Fort Bonifacio. Iyan ay isang manequin sa isang sikat na clothing line for women, endorsed by a theatre actress that got international attention by playing a Vietnamese prostitute.

Let the picture do the talking, afterall, a picture paints a thousand words. hehe.

HAVE FUN!

Yours Trully,
dosPORKYpinge (sabi nila lucky mga baboy ngayon.)

Labels:

Friday, December 15, 2006

Ang Sikreto sa Likod ng Amoy ng PAPAYA!

Dear Constis,

Kanina, binili ko si Mama ng Papaya, mura lang, twenty pesos a piece (actually 20 pesos kalahating kilo.) sa malapit na talipapa sa amin.

Eto naman si mama, abusado talaga, ibinili na nga siya eh pinahugasan, pinatalop, pinahiwa at pinapalamig pa sa akin.

Syempre, siya ang "nagluwal" sa akin sa mundo kaya wala akong karapatan na di siya sundin kaya ginawa ko na ang pinapagawa niya.

Noong nasa process na ako sa pagkakatay sa papaya, kakaiba talaga ang amoy. Amoy Poop (Tae, Shit, whatever you prefer...). At pagkatapos nang lahat lahat, dumikit pa rin sa aking kamay ang amoy.

Mamaya, nung kinain na ni mama, wala pang 30 minutes sinabi nya, "kumukulo tyan ko" at biglang tumakbo papuntang kubets.

Napagisip-isip ko, ang amoy ba nang isang pagkain ay may direktang epekto sa ating katawan? Pansinin nyo, ang mga chillies, amoy mabaho kaya ang mga bumbay eh mababaho. (niliitan ko font baka magalit sila sa akin.) Saka ang bananas, sabi ng kaibigan ko na coñotic, "bananas smell funny!" eh napagalaman ko na ang saging pala ay may tryptophan, a type of protein that the body converts into serotonin, known to make you relax, improve your mood and generally make you feel happier.

So eat Papayas to produce shit then eat chilies to make you smell bad then pag ayaw nyo na mabuhay, eat BANANAS to make you HAPPY!!!

Meri Krismas at Maligayang 2007 (kung ikaw ay isang saksi ni Jehova, please disregard my greetings, Happy Day nalang para sa iyo!)

P.S. naalala ko si Bananas, siguro masayahin ka! hehe...

Labels:

Sunday, November 19, 2006

Wala na Cine Europa...

Dear friends,

kamusta na kayo? di na ako masyado nakakablog kasi busy na sa school, ang dami ko ngang gusto ikwento sa inyo... haay, schoolworks...

anyway, nalulungkot ako, tapos na ang Cine Europa Film Festival year 9.

Waaa...

Pero nanalo naman si Manny Paquiao (nayayabangan ako sa kanya pero Filipino siya eh kaya susuportahan ko siya...) !!!

Saka Gusto ko pumunta ng france at mag-aral ng filmmaking dun.

Pwede rin sa Finland.

Tapos yung kasal ng pinsan ko na sabi nila ako mag-video coverage, di ako makakapunta dahil sa lecheng Accreditation ng college namin.

Pero nakaisip ako bago concept sa AD namin! yehey! heheheh!!

Tapos nami-miss ko na si Isaiah ang ang kanyang mga posts, wala na daw computer nila sa kanila.

Tapos guys, tell me, ano gusto nyo makita sa isang web video series? Magproproduce kasi kami ni isaiah about her life titled "Busted Isaiah"... Para naman may manood at mapractice filmmaking skills namin.. hehehe...

so guys, yun lang, kailangan ko pa magbasa nang philippine consti, may recitation kami bukas...

Wow naman, Good mood ako today! pansin nyo ba hindi vulgar sinusulat ko ngayon? heheheh

Ingat mga katoto!!! Lav u all!!!

Labels: ,