Sunday, December 31, 2006

Nervous Gone! An early new year gift for me!

Dear Prens...

These past few days, maraming happenings because of the christmas/new year seasons. Kaya di ako makapagnet. I-add pa ang nangyaring super quake sa taiwan last week na nakasira ng maraming underwater fiber optic cables na nagcoconect satin 90% of the time sa ibang bansa kaya walang internet.

Sa napakaraming nangyari nun eh medyo naging close kami ni papa! Kung di ko pa nasasabi sa inyo, may gap sa amin ni papa na kasing laki ng iceberg. Di kami naguusap, nagpapansinan at nagkikibuan. Nakakausap ko lang siya pag may tinatanong siya sa akin or pag may kailangan ako sa kanya like magpapaalam pag aalis etc. Ganun. To think bata pa lang ako wala nakaming communication eh masyado na talaga malalim ang sugat. Ang sakit.

Sabi ko nga kay Vagi, maayos lang ang relationship ko kay Papa thru a very harsh confrontation. Yung tipong mag-aaway kami. hehe. Sabi ni Vagi hindi naman daw necessary yun, basta kausapin ko lang siya... Tama nga siya.

Kahapon, galing kami sa aming clan reunion sa pampanga. Sila mama at ang aking dalawang kapatid ay nauna na at naiwan kami ni Papa sa bahay at magcocomute nalang kami. Dati, pag nalaman kong dalawa nalang kami eh magpapanic na ako at tibong mane-nervous breakdown. Pero kahapon, parang wala lang. Nagkwentuhan pa nga kami eh. WOW! Sarap! hehe... Ang sarap pala ng feeling pag kausap ang daddy. hehe... kaya hanggang ngayon, good mood ako everyday!

(A very Rare moment, Adrian, Papa, Me!)

Sabi ko nga kay booma dati dahil naiinis siya sa super strict na dad nya eh "buti ka nga may tatay na nagagalit sayo kesa naman ako di kinakausap." Well, binabawi ko na iyon!

Sana naman eh magpatuloy na ang magandang relationship na nabubuo samin ni papa. Sana!

Eto ang malupit. Kagabi, binigyan ko si Papa ng kalahating pirasong polvoron at di ko malaman kung bakit ko ginawa yun. Usually, di tinatanggap ni papa ang mga kalahati na o bawas na pagkain. Titignan lang nya yun at babalik sa panonood ng T.V. pero kahapon, ganito ang nangyari:


Dos: (iniabot ang kalahating polvoron sa Papa niya.)
Papa: (nakita ang polvoron.)

(brief pause.)

Papa: Ano yan?
Dos: (nagulat) Ah, polvoron po.
Papa: (tinignan ang polvoron na kalahati.)

(Brief Pause.)

Papa: (Kinuha ang kalahating polvoron.)
Dos: (Nanlaki ang Mata.) (Paalis na sana.)
Papa: Akin nalang to?
Dos: Ah opo.
Papa: Ok.

Finish.

All I can say is HAHAHA!!!

Sunday, December 24, 2006

Ninangs at Ninongs

Dear Yuletides,

Iba talaga ang feeling pag malapit na ang Pasko, lalo na ang walang inaanak. Nararamdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin kasabay ang sense of security na ang pera ko ay akin lamang at wala nang iba! Ang sarap talaga mag-pasko ng walang inaanak! hahaha!

Ibang klase naman kasi ang may inaanak, mapa-kasal, binyag, kumpil, graduation, etc kasi required pa silang bigyan ng regalo sa birthday at pasko at magpapatuloy pa ito hanggang sa dulo ng panahon.

Dati nga akala ko ang mga Ninong at Ninang ay mas mataas pa sa parents kasi sila ay GODfather at GODmother samantalang si Ma at Pa eh FAther lang ay MOther lang... Pero ang mga Ninong at Ninang pala ay nagsisilbing "guidance counselors" sa kanilang inaanak, sila ang nagbibigay "guidance" na di naibibgay ng magulang. Pero ang nangyayari, nagiging source of income sila for parents (ng mga baby) at source of regalos and aguinaldo na iwawaldas naman ng mga inaanak (me included).

Si Papa, marami inaanak yun, mapa kasal o binyag. Karamihan dun, mga officemates nya na kinakasal. Pero bilib din ako sa ibang kinakasal, parang gustong maka-refund sa ginastos nila kaya ayun, 24 lahat ng ninong at ninangs karamihan din don mga politicians (Pork Barrel?)

Yung bunso kong kapatid, ten years old pa lang siya eh may inaanak na eh ngayon 13 years old na siya, kung susumahin, nakagastos na nsiya ng humigit kumulang 4000 pesos para sa regalo pero buti nalang minor pa siya kaya subsidized pa iyon ng parents namin. Si Ate naman, marami na rin yang inaanak. Yun lang. Pero ako, wala ni ISA! Really, Life is Wonderful!

Minsan nga nagtataka ako bakit parang mailap ang mga kaibigans at kamaganaks ko kung magkakaanak sila at ayaw nila na maging ninong ako ng anak nila. Inisip ko ang dalawang posibleng dahilan.

1. Siguro ayaw nilang masira ang reputasyon ng anak nila dahil sa aking pagiging
daring at handang ilabas ang pwet in public.

2. Dahil weirdo ako at kumakain ng kung ano-anong dahon na makita ko sa kung
saan eh baka iniisip nila na maimpluwensyahan ko ang anak nila. (FYI, masarap
ang dahon ng gumamela, medyo maanghang na minty. Parang dahon din ng papaya.
Wag nyo lang subukan ang Fortune plant, makunat at mapait! Matamis naman ang
sa sampaguita saka aloe vera.)

Ako marami akong ninong at ninang na di nagbibigay sakin ng regalo, aguinaldo etc. Ok lang, di ko naman sila kilala. We're playing even!

Pero may isa akong pamangkin na cute na cute ang tinuturing kong "Special". Not as inaanak pero special kasi ayoko ma-stereotype ang ako na Ninong. hehe... She is Ice. Cute? Yeah!

Sana wag lang mabasa ng mga Nongs at Nings ko to. Lagot ako.

Maligayang Pasko at Bagong Taon nalang sa Lahat! Ingat sa paputok, baka maputol ang... kamay! hehe.

Saturday, December 23, 2006

Sandali lang Ito...

Dear Sons and Daughters of their fathers,

Sandali lang ito kasi nagluluto ako ng almusal ko...

Kaninang umaga kasi, nagpasama si Papa sa akin sa RFM Corporation upang "kumuha" kami ng chicken for Christmas and New Year... Bakit kami kukuha at di bibili? Si Papa kasi ay dating employee sa RFM - Swift Foods Agri-Business Accounting Division. Mataas na rin ang posisyon nya doon after working for some 30 years. Tapos nung nag-force retirement siya nung medyo humina ang company, ang gustong retirement pay nung companya para sa kanya ay in form of Fresh Dressed Chickens. Yeah, you've heard it right, Fresh Dressed chickens or in tagalog, Bagong Katay na Manok. Napaka walang considerasong Kumpanya.

Fast forward. Kumuha nga kami ng manok at ang role ko sa pagsama eh iuuwi ko yun sa bahay dahil dederetso na si Pa sa warehouse dahil maraming deliveries dahil magpapasko na.

Sa loob ng isang oras naming pagsasama, di kami masyado naguusap. Minsan pag may nakikitang somethin' eh small talk lang ang nangyayari. Siguro kung susumahin, nasa 11 minutes lang kaming nagusap pero yun na ang pinakamatagal namin nag-usap in my entire life. Siguro nung baby ako, kinakausap nya ako pero baby pa lang ako nun, di ko na natatandaan.

Basta, I'll try to win that Art Petron Contest para naman mapasaya ko siya hehe... Di kasi ako mahilig sa basketball eh...

Now I need a job for that camera. Pero kakain muna ako!

Happy Eating!

Tuesday, December 19, 2006

Hello Dos? Ikaw Ba Iyan?

Dear podcasters,

Asan na ako? hehe... Syempre dito sa bahay! haaay, ang sarap kausapin ng sarili!!!

Sige, kakausapin ko ang sarili ko ngayon...

********************
Dear Dos,

Nababaliw ka na d
ahil kausap mo sarili mo, pero sabi ni Isaiah na kausap mo kanina, healthy daw yun! So sabihin mo sa mga kaibigan mo, kung kinakausap nila ang mga sarili nila, healthy lang yun! Kaya mga ka-mental, di kayo mga baliw dahil lahat ng tao ay mga baliw!
nasisiraan na talaga ikaw dos...

Enewey, nanood ka kasi kanina ng Inang Yaya, isang Unitel Pictures production and
Directed by Pablo Biglang-Awa Jr. Diba dos, napakasimple ng movie at doon mo lang nakita si Ms Sunshine Cruz na magaling palang umarte. Naiyak ka pa nga eh dahil naramdaman mong emosyon ang ginamit nang direktor at writer para gawin yung pelikula. Inulit mo pa nga twice at sinabayan mong umiyak yung nasa likod mo na may pink na Hello Kitty na panyo. Pero, kagaya nga ng sinabi mo, pangit talaga manood sa SM Megamall Cinemas 5, 6, 8 and 9 dahil naliliitan ka sa screen at hindi dolby equipped. Sana nag gateway ka nalang na 120 pesos din.

Pero dos, maiba tayo. Diba kanina mo pa hinahanap ang kantang Faces ni Lene Marlin na sinabi sa iyo ni Ate Deng na dinidedicate sa iyo? Sana makita mo dahil alam kong nafi-freak ka na na makita iyon, hayaan mo, reregaluhan nalang kita ng CD pag nagkita tayo.

Saka dos, subukan mo kayang mag aprikano dahil nakita ko sa clustermaps mo na
mayroon kang reader sa Africa, pwede mong ibenta sa kanila ang iyong bagong diskubring no rinse Bath Soap na nadevelop mo habang nakaupo ka sa Kubets. Malay mo, yumaman ka doon at makabili ka na nga Canon DSLR mo at para di ka na matawag ni Cofibean na ORC!

So hanggang dun nalang, alam kong matutulog ka na dahil dumating na ang daddy mo. Kausapin mo naman daddy mo, para maging close kayo. hehehe...

Nagmamahal,
Two.

Friday, December 15, 2006

Ang Sikreto sa Likod ng Amoy ng PAPAYA!

Dear Constis,

Kanina, binili ko si Mama ng Papaya, mura lang, twenty pesos a piece (actually 20 pesos kalahating kilo.) sa malapit na talipapa sa amin.

Eto naman si mama, abusado talaga, ibinili na nga siya eh pinahugasan, pinatalop, pinahiwa at pinapalamig pa sa akin.

Syempre, siya ang "nagluwal" sa akin sa mundo kaya wala akong karapatan na di siya sundin kaya ginawa ko na ang pinapagawa niya.

Noong nasa process na ako sa pagkakatay sa papaya, kakaiba talaga ang amoy. Amoy Poop (Tae, Shit, whatever you prefer...). At pagkatapos nang lahat lahat, dumikit pa rin sa aking kamay ang amoy.

Mamaya, nung kinain na ni mama, wala pang 30 minutes sinabi nya, "kumukulo tyan ko" at biglang tumakbo papuntang kubets.

Napagisip-isip ko, ang amoy ba nang isang pagkain ay may direktang epekto sa ating katawan? Pansinin nyo, ang mga chillies, amoy mabaho kaya ang mga bumbay eh mababaho. (niliitan ko font baka magalit sila sa akin.) Saka ang bananas, sabi ng kaibigan ko na coƱotic, "bananas smell funny!" eh napagalaman ko na ang saging pala ay may tryptophan, a type of protein that the body converts into serotonin, known to make you relax, improve your mood and generally make you feel happier.

So eat Papayas to produce shit then eat chilies to make you smell bad then pag ayaw nyo na mabuhay, eat BANANAS to make you HAPPY!!!

Meri Krismas at Maligayang 2007 (kung ikaw ay isang saksi ni Jehova, please disregard my greetings, Happy Day nalang para sa iyo!)

P.S. naalala ko si Bananas, siguro masayahin ka! hehe...

Labels:

Saturday, December 09, 2006

Our Little T.V. AD!

Dear ADphiles,

Helow mga ADphiles na mahilig mang-criticize ng mga TV ads...

Tutal mahilig kayo sa criticism, paki criticize naman ang aming munting TV AD. Patawad na kung di mameet ang quality standards ninyo dahil kami'y mga humble journalism students lamang at walang formal training sa conceptualization nang mga TV ADS...

A Brief Background of the Product:

LipGlamour is a line of lipstick product that is suitable for the catering needs of young female professionals and college level students. This one of a kind product is an anti-smudge lipstick. It has a cool moisturizing effect on the lips that helps prevent lips from chapping and drying. This product has Vitamin C that can add a lovelier and youthful glow on the lips and Vitamin E. which serves as a moisturizer thus protects the skin from drying. It also has tea tree oil, a proven anti-oxidant that is widely used in other cosmetics to protect and detoxify the skin.



Comment naman dyan!!!

Labels:

Monday, December 04, 2006

Ang Pagtitinda ko sa aking KATAWAN...

Dear friends,

Magtratrabaho na ako this December para bumili nang Digital Single Lens Reflex Camera (DSLR) para manalo next year sa ArtPetron Students' Art Competition, Photography Category. Dahil ang aming sintang paaralan na tanglaw nang bayan kasi eh 2 years in a row nang nag ga-grand prize doon sa contest na iyon at gusto ko manalo dahil di pa ako nananalo sa any photography contest dahil di ako sumasali. period.

Magtratrabaho ako sa isang call center, yung hindi international, local lang dahil ayoko masabihan (for the moment) nang FU, SOaB, etc. at para di rin ako maging isang bampira. Or magbi-business ako nang baking!! anything basta may pera, pwede rin karnal! (joke!)

Yung camera kasi eh P49,000.00 pesos so I need to work for 5 months, braving hunger and loneliness of despression just to follow my earthy desires... Ha Ha.

Sana matanggap ako, ihahanda ko na nga ang aking business attire at ang aking resume na half page lang... Dadaanin ko nalang sa Karisma!

Wish me luck!

***

As usual, the freebie time! hehehehe.... Ngayon ay ang free internet access sa shangri-la plaza mall, 6th floor near the cinemas. May kiosk doon na naka wi-fi. pwede ka mag-net doon all you can kasi wala naman pakialam mga mall goers doon sa free internet accesss!!! minsan nga 1 hour straight ako dun wala man lang pumipila sa likod ko... heheh.. meron din sa may mrt concourse level sa shangrila... enjoy!!!

***

teka, basahin nyo muna ito! kakatuwa! hehehe click here...