Meyneyla!
Dear trabelers,
(Itatabi ko muna ang aking jobhuntingescapadesss.)
Mahilig ako maglakad, alam nyo ba iyon? Point-to-point, 50 kms distance ok sa akin. Kaya napakalaki ng binti ko at ang talampakan ko, sing gaspang ng sandpaper.
Weirding ang tawag ko sa aking adventures on foot. (May ibang meaning ang word na iyan pero who cares?) Sa aking paglalakbay marami akong nakita, nadiscober at kung anik anik pa.
eto ang ilan...
Sundot Kulangot: Isang pagkain na nagoriginate sa Baguio. Ang version na kinakain ko ay ang "lite"version dahil ang totoong sundot kulangot eh gagamitin mo ang iyong pinky finger to eat it. Ito ang totoong finger lickin' good food. hehe...
Si Ms Bata Daya. Siya ang batang nakasabay ko sa dyip na hindi nagbayad sa driver. Malayo-layo din ang kanyang isinakay at sa aking kalkulasyon eh nasa P8.25 ang pamasahe dapat niya. Pero let's look at the other side, isa sing estudyante at sabado iyan, pwedeng wala siyang allowance sa araw na iyon or wala talaga siyang allowance at all.
Lovers: Yun lang...
Eto ang tindahan ng mga "TOTOONG" nangangailangan. Sa Anonas Street yan sa Sta. Mesa, Manila. Lahat ng binibenta dyan eh tingi-tingi, kung makikita nyo, per piece. katulad ng kalamansi, piso isa, ang tuyo P2.50, ang Milo Chocolate Drink, Asukal, Gatas eh P1.00. Astig! Tignan nyo nalang ang nakasulat sa ilalaim, "BASIC NEEDS". hehe...
Yun Lang! Naku, jobhunting na naman..
Labels: PhotoGRAPHY