Wednesday, March 21, 2007

A Lesbian Love Affair

Dear Lovers,

Isa sa pinakaayaw kong gawin ang pumasok ng maaga sa paaralan. Okay lang na ma-late ako as long na makaka-attend ako sa klase. Nung isang araw, sa di ko maipaliwanag na dahilan eh gumising ako ng 5 in the morning at pumasok ng 5:30 am. 6:30 pa lang nasa school na ako. May isang oras pa ako para makapaghanda bago pumasok ang professor ko... WOW! Super punctual ako! Natulog nalang ako para patayin ang oras. 8:30 na ako nagising. Wala pa rin ang professor ko. Wala rin ang mga kaklase ko. Nagiisa ako. Syet, wala pala kaming klase ng araw na iyon sa tatlong subjects. Badtrip.

Buti nalang nakita ko ang dalawang piraso ng papel na nakadikit sa isang sandalan ng upuan sa aming kwarto. Halatang may effort ang pagkagawa dito, computerized at nakadikit pa sa neon-colored paper na may border. Wow! Love letter pala ito. Eto ang nakasulat: (note: in original formatting)

Dear Joyce,
mahal na mahal
po kita..

Yung tntwag mong negie at
payatot ay mahal na mahal ko kya
mag-ingat ka sa mga cnsB mo..

Opo..slamat tlga..piyow
ko..gusto kong ihug kita ng tight
pra iprmdam ko xau na ayaw
kong mwala ka xkn..
Ah..ok! sori
po..lam ko..dis is
all my fault and im
all to blame..but
what can I say?
Ahm..msaya

tau..mhal kita..mhal mo din ako..its a beautiful mistake I wouldn't
regret..

Oo nga eh..nikakabahan tuloy ako..lakas ng kabog ng puso ko..kaw kc..ano
bng gnaw mo skn at nainlove ako
xau ng todo!?

Gaya-gaya ka tlga..gnun din
naisip ko..dq alm kung kayak
o..Firstym to..as in sbrang
serious..halos klhti ng srili ko eh nsau
na..sa lahat ng gngwa ko..pillow
na lang ng pilow..

Sino kaya si Joyce? Joyce Jimenez? nye, hindi. Isa lang masasabi ko, ang corny nila. Binatog na Corn Soup siguro ang kinain nya bago isulat (or rather, i-type) ang letter na iyan. hehe...

Puno ng sweet talk ang sulat na parang babae ang nagsulat dahil bihirang gawin ng lalaki ang mga baby names like "Piyow" for "Pillow". So, I therefore conclude, its a Lesbian Love Affair! (Go Aiza!)

Grabe, pag mag nagbigay sa akin nang katulad nyan, naku, pagtatawanan ko siya. Sabi nga diba, "don't let your emotions fool you".

*Joyce, kung nababasa mo ito at ikaw ang nasa sulat, get a life, bumili ng pedometer at magbilang ng steps! hahaha!

Negie! Negie!

Labels:

Wednesday, March 14, 2007

Light Rail Transit Philippines!

Dear LRT riders....

Mabuhay! Finally, our ancient facilities is having a face lift. Buti nga... hehehe...Dahil sa napaka-hectic na sked ko (at dahilan ng pagiging inactive ng blog ko) nag-rely ako sa LRT at MRT para sa quick, affordable and safe transportation.

Nagulat nalang ako nang ang LRT line 1 eh biglang nagkaroon ng "improvements". Ang LRT line 1 nga pala ang pinaka luma sa lahat ng LRT at MRT. Bago na ang ticket na may mukha pa rin ni Gloria Nunal as always, at bago na ang mga tren, pero not entirely, siguro konti lang mga 3 lang ang bagong tren.

Ang tanging hindi nalang nagbabago ay ang mga mukhang hagard na tellers sa ticket booths.

Tignan nyo nalang ang mga pics... Sa LRT 1 yan pramis! hehe... Ganda! Salamat naman dahil hindi na ako mahihiya sa mga Korean and Chinese co-students natin! haha!


Trivia pala, yung Vito Cruz LRT 1 station ay may pinakamaraming suicide cases sa lahat ng LRT Stations. So I therefore conclude na haunted yun! hehe! Siguro mga La Salle students yun na di na makayanan ang pressures sa school... poor kids... Related din ito sa post ni SHIOK!!!

Mabuhay ang LRT!

Labels:

Friday, March 02, 2007

Ang Mga Babae sa Lente ni Dos

Dear Piktyurs,

Picture taking muna kasama nang mga girls... Hehe. Mga classmates ko sila na kinukunan ko at nagpapakuha naman. Gamit ko dyan ay ang aking Cellphone hehe...

Yung naka-red sa first two pictures eh si Mavs, thesis mate ko at isang Communication Theories geek. (marami yang teorya about sa pag co-communicate ng tao, grabe, pati aso meron!)

Saan yan? Edi sa loob ng Jeep.


Sa 2nd floor ng Main Building.


Si Ate Jen na nag e-endorse ng Presto Cookies! (Manila Film Center[MFC], CCP Complex, Pasay City)



Si Ate Deng sa MFC din, Ka-lente ko at nagaalaga ng kambing na si YUKI(+)


Silang dalawa, Manila Film Center din, habang kumakain ng biskwit.


Waaaa! Gusto ko na ng DSLR!!!

Labels: ,