Thursday, February 01, 1990

Ang Pagababalik After 10 Days... (Naughty Mind Series Part 2)

Dear Jobseekers,

After 10 days, bumalik ako sa Pizza Hut sa Aurora Towers Cubao, kahapon yun, January 31.

Maaga ako, 8am nandoon na ako, muntik na nga ako di makaabot sa 8am na cut-off nila dahil 7:30AM ako umalis ng bahay dahil undecided parin ako.

Pagdating ko sa 15th floor ng Aurora Towers kung saan nandoon ang head office ng Philippine Pizza Inc. eh marami na ang applikante, nasa 15 na. Buti nalang mabait si Manong Guard at pinapila ako sa may hagdan. Pinalabas niya sa akin ang resume ko at 2x2 picture. Buti nalang inedit ko ang resume ko at nilagay ko na roon ang job objective ko at nagdagdag ng character references.

Nakatabi ko si Ate 1 sa right side ko. Di ko natanong pangalan niya. Pero base sa aming small chit-chat, mas nangangailangan siya ng pera. Graduate siya ng Unico College sa Laguna ng 2 year associate course in Hotel and Restaurant Management. Buti nalang Team Member (yung crew sa branch) ang a-apply-an niya, at least di kami magkakumpitensiya.

After 30 mins, pinapasok ang tatlong applicants, including me. Medyo kinakabahan na ako at syempre sabi ni ate Jackie (na nag-inspire sa akin na mag-apply doon) na always smile. Todo smile ang ginawa ko na parang wala nang bukas, syempre para ma-practice ang facial muscles ko... Nang biglang lumapit si Manong Guard sa akin at sinabi: "Ser, pasensya na, balik na lang kayo bukas, magpagupit muna kayo(ng buhok)."

Nagulat si Ate 1 na katabi ko, syempre medyo nalungkot siya na pinaalis ako, pero okay lang, valid naman eh, mahaba ang buhok ko. Nag-thank you ako kay Manong Guard at sumakay ng elevator at umalis. Tapos nagpagupit ako. Now I'm sporting this really stupid haircut at mukha akong itlog.

Di ako bumalik kanina dahil may midterm exam kami sa Rizal, at syempre ayoko makita ako na mukhang itlog baka di ako seryosohin.

Lesson learned: magpagupit bago mag-apply.

Hahaha! Stupid hair!

Teka! Nagsayaw pala ako sa aming Le Vouge Fashion and Dance Show ng aming college. heheh... Kwento ko yun sa susunod!

Gudbay!